DIGONG TINULUYAN

PORMAL nang sinampahan ni ACT party-list Rep. France Castro ng kasong grave threat si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ang kanyang abogadong sina Rico V. Domingo at Tony M. La Viña ng Movement Against Disinformation (MAD), isinampa ang kaso sa Quezon City Prosecutors’ Office kahapon ng umaga.

Sa ambush interview, sinabi ni Castro na hindi biro ang bantang binitawan ni Duterte sa kanya kaya dapat aniyang panagutin ito sa batas.

“Sinampahan natin ng kasong grave threat si dating Pangulong Duterte dahil sa malubhang pagbabanta sa aming buhay,” ani Castro.

Magugunita na noong October 11, 2023 sa Gikan sa Masa, Para sa Masa program ni Duterte sa SMNI, tinalakay ang tinanggal na confidential funds ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

“Sabi ko kay Inday, diretsuhin mo na. Itong intelligence fund na ito is to prepare the minds of the Filipinos—itong insurgency na hindi matapos-tapos—and the ROTC para preparado tayo. Kung magkagera gan’to ang sitwasyon ngayon, ‘pag wala tayong sundalo, meron tayong mga bata na who will take care of their respective barangay to help government. Pero ang una mong target d’yan [sa] intelligence fund mo, kayo, ikaw France, kayong mga Komunista ang gusto kong patayin. Sabihin mo na sa kanya,” pahayag ni Duterte na bahagi ngayon ng 8 pahinang complaint affidavit ni Castro.

Ayon sa mambabatas, nangamba ito sa kanyang kaligtasan kaya hindi niya kayang palagpasin ang pagbabanta ng dating pangulo.

Kapag napatunayang guilty si Duterte kasong grave threat, maari itong makulong ng isa hanggang anim na buwan.

(BERNARD TAGUINOD)

129

Related posts

Leave a Comment