PINANGUNAHAN ni Dimples Romana ang Kapamilya stars sa “Black Magic,” ang pabolosang (pre-)Halloween costume party ng Star Magic na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Resorts World, Pasay City, nitong Sunday, October 20.
Suot ni Dimples ang Maleficent costume complete with horned headpiece, staff, and wings. Sapat ang impact ng kanyang outfit para kabugin ang lahat at makamit ang “WTF” (Wow That’s Fantastic) Award.
OTHER WINNERS/STANDOUTS: Funniest Costume Award winner si Zeus Collins na nakabihis a la Dora the Explorer. Sexiest Costume Award si Heaven Peralejo para sa kanyang Wonder Woman outfit. Scariest Costume Award ang napunta kay Gillian Villavicencio.
Metro’s Female Transformation Award ang iginawad kay Kira Balinger, the Harley Quinn of the night. Metro’s Male Transformation Award ang nakamit ni Enzo Pineda, unrecognizable as he was in his chosen costume.
WAGI RIN ANG TATLONG KAPAMILYA COUPLES: Best in Costume Award ang napunta sa KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) wearing Poison Ivy and The Eye, respectively. Best Couple Costume Award ang naiuwi ng LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) na naka-outfit ng Brittani and Tiffany Wilson, the blonde socialite sisters sa favorite movie nilang White Chicks.
Most Creative Costume Award naman ang nakamit ng MayWard (Maymay Entrata and Edward Barber) na itsurang Saitama and Genos, respectively – characters from the Japanese webcomic One Punch Man.
SPECIAL MENTION sina Ronnie Alonte and Loisa Andalio na naka-Lucifer and Eve outfits; Robbie Mananquil and Maxene Magalona as John Lennon and Yoko Ono; Kim Chiu and Xian Lim na naka-Walking Dead (series)-inspired costume and Dracula outfit, respectively.
MAY ‘MAGIC’ NA NAGANAP SA AWIT AWARDS 2019?
Ginanap ang 32nd Awit Awards sa New Frontier Theater noon pang October 10.
Biggest winner si Moira dela Torre na nagwagi ng Music Video of the Year, Album of the Year, and Song of the Year.
Several days have passed, pero eto’t may kabuntot na intriga ang bale equivalent ng Grammy Awards dito sa ‘Pinas.
Ang kontrobersya ay konektado sa online voting system nito. Kahit kasi tapos na ang online voting ay patuloy pa rin na tumanggap ang sistema ng mga boto na siyang inalmahan ng fans.
Matapos lumabas ang proof of discrepancy (screenshot) ng isang fan na kinumpara ang October 8 results at October 10 results, nag-issue ang Awit Awards organizers ng statement of apology hinggil sa nangyaring anomalya.
“We are currently looking into these allegations and are awaiting the explanation of (provider) Zed Philippines regarding this matter,” pahayag ng Awit Awards organizers sa Instagram.
Tila tuloy pa rin ang tagisan (in more ways than one) sa pagitan nina Juan Karlos at Darren Espanto.
Bukod sa Favorite Male Artist at Best Rock/Alternative Recording, napanalunan din ni JK ang Best Performance by a Male Recording Artist for the song “Buwan,” beating Espanto’s “Poison.”
200