DISASTER RESILIENCE DEPARTMENT ITUTULOY

MULING tatangkain ng Kongreso na magtatag ng bagong departamento na tutugon sa mga problema ng bansa bago at sa panahon ng kalamidad lalo na’t ikalawa ang Pilipinas sa pinakaapektado ng climate change.

Base sa House Bill (HB) No.13 na inakda ni incoming House Speaker Martin Romualdez, nais nitong ituloy ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience (DDR) matapos mabigo ang nakaraang Kongreso na maipasa ito.

“It is high time that we create a truly empowered department that will focus on natural hazards and disasters, characterized by unity of command, a science and ICT-based approach and the capacity to take charge of three key result areas: disaster risk reduction; preparedness and response; and recovery, rehabilitation and building forward better,” paliwanag ni Romualdez sa kanyang panukala.

Base sa report ng Global Climate Risk Index noong 2020, ang Pilipinas ang pangalawa sa Japan sa mga bansa sa mundo na pinaka apektado sa climate change na naging dahilan ng malalakas at mapaminsalang bagyo.

Kada taon ay hindi bababa sa 19 bagyo ang pumapasok sa bansa at habang tumatagal ay palakas nang palakas ito tulad ng bagyong Yolanda noong 2013 na pinakamalakas na nairekord sa buong mundo.

“This ‘new normal’ requires a more focused and in-depth attention in the way we understand, prepare and respond to natural disasters,” ayon pa sa panukala kaya kailangang maitayo na umano ang nasabing departamento.

Sa ilalim ng nasabing panukala, isasailalim na sa isang departamento ang mga ahensya na may kinalaman sa paghahanda kapag may darating na kalamidad, na nasa iba’t ibang departamento sa kasalukuyan.

Ang DDR din ang mamamahala sa relief operations sa panahon ng kalamidad at pagbangon sa mga apektadong lugar tulad ng pagtayo muli ng mga nasirang imprastraktura at iba pa.

“It shall integrate and define what needs to be done, where it needs to be done, based on what standards, how it should be done, and how well it should be done,” ayon pa sa panukala. (BERNARD TAGUINOD)

70

Related posts

Leave a Comment