(NI HARVEY PEREZ)
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon para ma-idiskuwalipika si re-electionist Leyte 4th District Representative Lucy Torres Gomez sa kanyang kandidatura sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13.
Ayon sa Comelec, ang dahilan ng pagbasura sa disqualification case ay dahil sa ‘instant petition’ na paso na o lagpas na sa panahon.
Ito ay isinampa nang higit pa sa 25-araw matapos na maghain ng kanyang kandidatura si Torres-Gomez na umano’y paglabag sa nakasaad sa section 78 ng Omnibus Election Code.
Sinabi ng Comelec na hindi lumabag sa three-term rule si Torres-Gomez dahil hindi naman niya na napagsilbihan nang buo ang sinasabing 2010 -2013 term.
Hindi umano balido na humalili siya sa kanyang mister na si Richard Gomez dahil ang Certificate of Candidacy (COC) ay idineklara ng korte bilang void ab initio.
Magugunita na ang petisyon para sa diskuwalipikasyon laban kay Torres-Gomez ay isinampa ni Jeffrey Dubal at Noelcito Wagas, kapwa residente ng Ormoc City noong Enero 2019.
Iginiit ng petisyuner na kapag nanalo si Torres -Gomez ay ito na ang ikaapat niyang termino na paglabag umano sa three-term rule sa ilalim ng Article 6, Section 7 of the 1987 Philippine Constitution.
Sanhi nito, wala nang hadlang sa kandidatura ni Torres-Gomez, ayon pa sa Comelec.
166