DOH SISINGILIN NG SENADO SA OVERPRICING

doh

MAY araw ng pagtutuos para sa sinasabing pattern ng overpriced na mga medical equipment na binili ng Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pag-amin na hindi pa napapanahon upang imbestigahan ang DOH sa sinasabing iregularidad.

Sinabi ni Lacson na ang anomang pagsisiyasat ay magiging dahilan lamang ng distraction ng DOH at iba pang government agencies sa kanilang mga aksyon ngayon para sa pandemic.

“But I think there should be a day of reckoning on all this,” diin ni Lacson.

Ipinaalala ni Lacson na ang pagsasamantala sa oportunidad para sa pansariling interes ay maituturing na pinakamataas na uri ng pagiging gahaman.

“Seizing an opportunity out of a crisis is a good thing when you do it for country.

For example when we know other locators or factories are relocating from China to other places in Asia, yan ang i-seize nating opportunity,” diin ni Lacson.

Una nang sinita ni Lacson ang pagbili ng DOH ng 10 nucleic acid extractor machines sa halagang P4 milyon habang ang private sector ay nakabili sa halagang P1.75 million.

“At the end of the day, we see a pattern of overpricing. If it’s only one item then probably it’s been overlooked or they can reason out a different supplier or manufacturer. But it’s a pattern,” diin ni Lacson.

“Bakit lagi na lang pag government ang nagpo-procure bakit napakamahal, di lang napakamahal kundi halos doble o mahigit doble ang presyo,” diin pa nito. DANG SAMSON-GARCIA

156

Related posts

Leave a Comment