DOKTOR SA PMA HOSPITAL PINATATANGGALAN NG LISENSIYA SA PRC

(NI HARVEY PEREZ)

PINATATANGGALAN ng lisensiya  sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa kasong malpractice ang apat na doktor sa Philippine Military Academy (PMA) Hospital dahil sa pagkamatay ng PMA Cadet na si Darwin Dormitorio.

Nabatid na inireklamo ng pamilyang  Dormitorio sa PRC ang mga doktor na sumuri kay  Dormitorio noong Setyembre 18  makaraang mabiktima ng hazing o pananakit ng mga upperclass men nito sa PMA.

Nabatid na reklamong administratibo o medical malpractice ang ikinaso ng pamilya Dormitorio laban sa mga doktor ng PMA Hospital na sina Captain Flor Apple Apostol, Major Maria Beloy, Lt. Col. Cesar Candelaria, at Captain Allain Saa.

Sinabi ni  Dexter Dormitorio, kapatid ng biktima, mali ang medical assessment ng mga naturang doktor kay Darwin.

Iginiit nito na may naging kapabayaan din  na nagdulot ng kamatayan ni Darwin, gaya ng kakulangan sa kinakailangang hakbang para makuha ang tamang diagnose at ni walang rekomendasyon o ginawang ultrasound sa biktima.

Matatandaan na  sinabi na upper tract infection o UTI ang sakit ni Darwin, pero kinalaunan ay lumabas na ang pananakit ng tiyan nito, mga pasa at iba pang bugbog ay dahil sa ginawang hazing sa biktima.

196

Related posts

Leave a Comment