DOLE NAKAPAGBIGAY NG MAHIGIT 800K TRABAHO

trabaho

IBINIDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mataas na bilang ng trabaho na naibigay sa mga Pinoy ngayong taon. Gayunman, hindi umano umabot sa target na laan nila sa taong ito.

Mahigit 800,000 trabaho ang naibigay ng ahensiya at nanguna dito ang sa construction na mayroong 326,000 trabaho na binuksan.

Pumangalawa naman ang sa public administration at defense compulsory social security at manufacturing.

Ang nasabing bilang din ayon sa DOLE ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

8

Related posts

Leave a Comment