DOLOMITE BEACH ISARA MUNA

HINILING ni Senador Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pansamantalang ipasara ang Dolomite Beach sa Manila Bay habang wala pang regulasyon at sistema sa lugar.

Pinangangambahan ni Binay na mas lalong kumalat ang COVID-19 sa pagtitipon ng maraming tao sa isang lugar sa kabila nang paghihigpit ng medical frontliners sa pagsunod sa health protocols.

“Mas maganda siguro kung pansamantala munang isara ang dolomite beach habang wala pang regulasyon at sistema ang DENR sa area,” ayon kay Binay.

“Kaloka lang, kasi habang yung ating mga frontliner sa health sector are doing every necessary intervention in controlling the spread of new Covid variants, there are also those who organize events or offer unnecessary attractions yet failed to manage the crowds resulting in rapid community transmissions,” giit pa ng senador.

Sinabi ni Binay na sa pananaw ng kalusugan at wellness, kailangan nang tanggapin ang kagustuhan ng publiko na mamasyal at magpahinga sa open spaces.

“Siguro, yung nakikita nating pagdagsa ng tao sa Manila Bay area at parks can be a good step forward for the national and local governments to rethink how green and open spaces will work best in the new normal context,” ayon kay Binay.

“Alongside health protocols, well-thought out urban planning plays a big part in creating the best environment in or outside the cities which will make sense from a public health perspective,” dagdag niya. (ESTONG REYES)

103

Related posts

Leave a Comment