DOBLE sa regular daily pay ang matatanggap ng mga manggagawang papasok sa idineklarang holiday ngayong buwan ng Hunyo, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).
Ngayong Hunyo, idineklara nang holiday ang Hunyo 5 at 12 sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr at Philippine Independence Day.
Sinabi ng DoLE na ang mga papasok sa trabaho ay dapat bigyan ng 200% ng kanilang daily salary para sa unang walong oras.
Ang mga mag-oovertime naman ay bibigyan ng 30% kada oras.
Kung ang holiday ay natapat sa rest day, ang mga worker na papasok pa rin ay magkakaroon ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang basic wage na 200%.
Pinaalalahanan din ng DoLE ang mga employers na ang mga hindi papasok sa araw na iyon ay makatatanggap pa din ng 100 porsiyentong sahod sa araw na holiday.
144