(NI BETH JULIAN)
HINDI nababahala ang Malacanang na mapasama pa 2019 national budget ang P75 bilyon na dagdag budget na inihirit ng Public Works and Highways (DPWH).
Sa harap ito ng posibilidad na baka maapektuhan ang infrastructure project sa ilalim ng Build Build Program ng gobyerno.
Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, may iba pa naman paraan para matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga nakakasa nang proyektong pang imprastraktura.
Sinasabing maaari namang hugutin ang kakulangan sa pondo ng dagdag na supplemental budget.
Hindi naman minamasama ng Palasyo na isinasantabi ng Senado ang hirit na P75 bilyon dagdag budget matapos aminin ni DPWH Secretary Mark Villar na hindi nya alam ang sinasabing isiningit ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Panelo na inirerespeto ng Malacanang ang ginawang pagbabago ng Kongreso dahil mandato ng mga ito ang amyendahan ang pambansang budget.
147