MORENO SA SANDIGAN; ALEGRE SA BI

sandigan

(NI LILIBETH JULIAN)

ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assosciate Justice ng Sandiganbayan si Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Ronald Moreno.

Pupunan ni Moreno ang dating nabakanteng puwesto ni dating Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo na itinalaga naman ng Pangulo sa Korte Suprema.

Base sa inilabas na appointment paper, Miyerkoles ng hapon ng Palasyo, Hunyo 8, 2018  pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Moreno.

Matatandaang si Moreno ang humawak sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa aktor na si Baron Geisler  noong 2009 pero nag-inhibit ito matapos malaman na namigay ng complimentary ticket ang kampo ni Geisler sa mga staff ni Moreno para sa pelikula nitong Baler.

Sa iba pang appointment paper na inilabas, itinalaga naman ng Pangulo bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) si Atty. Aldwin Alegre kapalit ng nagbitiw na si Aimee Torrefranca Neri.

Nagbitiw sa puwesto si Neri noong Abril ng nakaraang taon habang nilagdaan naman ng Pangulo ang appointment paper ni Alegre nito lamang Enero 15.

 

 

 

8

Related posts

Leave a Comment