DTI NANAWAGAN SA CALLER NG HOTLINE 8888

881

(NI CHRISTIAN DALE)

TINAWAGAN ng pansin ni Trade and Industry Usec. Ruth Castelo ang publiko na huwag nang gamitin ang hotline 8888 para sa consumer related concerns.

Sinabi ni Castelo na malaki ang mababawas sa mga caller kung lilipat ang iba sa DTI hotline.
Aniya, sa pamamagitan ng pag-dial ng 1-DTI o 1384 ay mas mapapabilis ang aksyon dahil konektado na ito sa mga local offices ng ahensya na nakakasakop sa mga uri ng sumbong.

Sa ulat, lumalabas na maraming tawag hinggil sa presyo ng bilihin, kalidad ng produkto at violations ng mga kompaniya ang napupunta sa 8888, kaya hindi makayanan ng general service hotline ang nasabing mga reklamo.

Siniguro naman ni Castelo na may sapat silang tao at pasilidad para tugunan ang mga complaint na maipararating.

Magugunitang nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipasasara ang PLDT kapag hindi naisaayos ang government hotline na tumutugon sa mga sumbong ng karaniwang mamamayan.
Subalit, ayon sa ilang eksperto, natatambak o kaya ay nasa waiting status ang mga tawag kaya hindi ito nakakapasok agad.

140

Related posts

Leave a Comment