DU30 ‘DI PAPANGALANAN ANG CELEBS SA PDEA WATCHLIST

DUTERTE250

(NI BETH JULIAN)

KUNG ang mga pulis at politiko na kasama sa narco list ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo  Duterte, hindi naman ito pabor isapubliko ang listahan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga.

Sa talumpati sa Annual Convention of the Prosecutors League of the Philippines sa Palawan, idinahilan ni Pangulong Duterte na mga pribadong indibidwal ang mga artistang nasa drug wstchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at hindi tulad ng mga politiko na nasa narco list na may hawak na posisyon sa gobyerno.

Matatandaan na isinumite ng PDEA kay Pangulong Duterte ang nasa 31 pangalan ng artista na kabilang sa drug watchlist.

Agad naman isinapubliko ng Pangulo ang mga pangalan ng mga politiko dahil nais niyang malaman ng publiko kung sino ang mga tiwali sa gobyerno.

Una nang pinaboran ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang pagsasapubliko ng nasa 31 artistang nasa drug watchlist ng PDEA para maging ‘fair’ sa mga politokong pinangalanan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga o ang ‘narco-list’.

Gayunpaman, hindi naman sinang ayunan ni PDEA Director General Aaron Aquino ang paglalabas sa publiko ng listahan ng mga artista na konektado sa droga.

105

Related posts

Leave a Comment