PARA MABILIS ANG USAD; DENGVAXIA CASE PAG-IISAHIN — PAO

deng19

(NI FRANCIS SORIANO)

NAGHAIN ngayon ng petisyon ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Supreme Court (SC) para sa paglipat ng venue at konsolidasyon ng mga kaso ng Dengvaxia  kung saan sama-samang diringgin ang mga ito para mapadali ang pag-usad ng kaso.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta,  ang unang siyam na Dengvaxia case ay inihain sa  iba’t ibang korte  sa buong bansa.

Dahil sa iba’t ibang lugar din galing ang mga biktima ng umano’y namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine ay nakalilito ang sistema at kanya-kanya ang kaso. Sa pag-iisa ng kaso sinabi ni Acosta na mas madali nang matututukan ang kaso ng bawat nagsampa sa korte.

Bunsod nito,  umaasa ang PAO na pagbibigyan ng Kataas-taasang hukuman ang kanilang hiling na magkaroon ng special court na didinig sa lahat ng Dengvaxia case.

 

88

Related posts

Leave a Comment