DU30 ‘DI TINAPOS ANG APEC SUMMIT

Napaaga nang halos isang araw ang uwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa dinaluhan nitong mga aktibidad sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meetings sa Papua New Guinea.

Sa ipinadalang abiso ng Malakanyang, hindi na natapos ng Pangulo ang mga aktibidad at napaaga ito ng uwi kagabi, Nobyembre 17, sa halip ngayong hapon, Nobyembre 18.

Agad umano itong nagtungo sa Davao at nakarating dakong alas 3:00 ng madaling araw.

Wala namang ibinigay na dahilan ang Malakanyang kung bakit napaikli ang APEC trip ng pangulo at tanging ang mga cabinet secretaries na lamang ang kumatawan dito para sa natitira pang mga aktibidad.

Matatandaang ilang aktibidad din sa ASEAN summit na ginanap sa Singapore ang hindi nadaluhan ng ni Pangulong Duterte dahil sa kinailangan umano nitong bumawi ng tulog.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, ipaliliwanag niya ang dahilan kung bakit maagang umuwi ang Pangulo at si Trade Secretary Ramon Lopez ang ipinadalo sa mga aktibidad.

Samantala, naging bulung-bulungan na ang agarang pag-uwi ni Pangulong Duterte ay dahil sa kailangan itong maghanda para sa pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa linggong ito.

84

Related posts

Leave a Comment