DU30: DILAWAN, LUSAW NA; UMANIB NA LANG SA CCP

duterte22

(NI BETH JULIAN)

LUSAW na ang mga ‘Dilawan’.

Ito ang diretsahang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng panawagan sa mga kasapi ng Liberal Party o dilawan na umanib na lamang sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa talumpati ng Pangulo sa Liga ng mga Barangay National Assembly sa SMX Convention sa Pasay City, kinaawaan nito ang pagiging uhaw sa kapangyarihan ng mga dilawan.

“Kaya lang walang masabi itong mga yellow, t*** i** iwanan ninyo maghanap kayo ng partido. Kung wala Communist Party of the Philippines,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na natatandaan nito noong 2016 habang kasisimula pa lamang ng kanyang panunungkulan sa Malacanang agad nang nananawagan ang mga ‘dilawan’ at nag-rally para siya ay pababain sa puwesto na nagpapakita na desperado na ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, hindi makatarungan ang aksyon ng mga dilawan dahil hindi pa man siya nabibigyan ng sapat na panahon para pamunuan ang bansa ay agad nang pagpabababa sa puwesto ang ikinakasa ng mga taga LP.

75

Related posts

Leave a Comment