PDEA CHIEF: COLUMBIAN DRUG CARTEL NASA PINAS NA

cocaine22

KINUMPIRMA ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Director General Aaron Aquino na nasa bansa at nag-ooperate na ang Columbian drug cartel tulad ng unang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng sunud-sunod na paglutang mga floating cocaine sa iba’t ibang karagatan sa bansa.

Ibinunyag pa ni Aquino na base umano sa nakuhang representative sample sa Matnog, Sorsogon, lumalabas na ang droga ay nagawa umano sa Colombia.

Ginagamit umano ng cartel ang Pilipinas bilang transshipment point ng cocaine at posible rin umanong ginagamit na diversionary tactis ang paglutang ng mga pakete ng cocaine upang mas maraming illegal drugs pa ang mai-byahe sa bansa.

Sa kanyang speech, sinabi ng Pangulo na ang cartel Medellin Columbia kaya maraming naglulutangang cocaine.

Ilang pakete at kahon na ng cocaine ang naglutangan sa Surigao del Sur, Davao Oriental at Aurora.

77

Related posts

Leave a Comment