DU30: HANDA AKO MAKULONG MAPATAY KO LANG SI PETER LIM

peterlimduterte

(NI BETH JULIAN)

ITINUON muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gigil kay Peter Lim, ang umano’y nagtatagong  drug lord sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulo sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, muli nitong binantaan Lim na papatayin kapag nakita ito.

“Itong Peter Lim na ito, may bahay sa Canada, may bahay sa Bahamas, may bahay sa Hong Kong. Peter Lim, ‘pag nakita kita maski saan papatayin kita and I will go to jail for you,” wika ni Duterte.

Matatandaan na matagal nang wanted sa batas si Lim kaugnay sa umano’y dahil sa ilegal na droga saan matapos sumingaw ang pangalan nito at magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DoJ) ay hindi na ito natagpuan.

Higit dalawang buwan lamang ang nakalilipas nang ilabas ni Pangulong Duterte ang kanyang galit kay Lim nang bantaan nito na huwag magpakita sa kanya, sa halip ay mag-suicide nalang.

“Ito si Peter Lim, you know, if i were you, i would commit suicide. Do not surrender to me alive because you would commit suicide. Ganun din, i-abbreviate mo na, at least ikaw pa magtali sa leeg mo,” naunang pahayag ni Duterte para kay Lim.

Sa ngayon ay walang magtukoy kung nananatili pa sa bansa si Lim o nagtatago sa ibang bansa.

70

Related posts

Leave a Comment