(NI BETH JULIAN)
HINDI panghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng pahayag ng Pangulo kamakailan na nasasamantala na ng mga mayayaman ang kandidato para sa partylist group.
Depensa ni Panelo, naghayag lamang ng kanyang pananaw ang Pangulo pero matigas ang paninindigan nito na hindi makikialam sa trabaho ng komisyon.
Ayon kay Panelo, bahala na ang Comelec kung tutugunan ang sentimyento ng Pangulo tungkol sa klase ng mga kandidatong nais na maupo sa partylist group na dapat sana ay marginalized.
Giit ni Panelo, nasa kamay na ng komisyon kung sisiliping mabuti ang mga indibidwal na gustong maging bahagi ng Kongreso sa pamamagitan ng partylist lalo’t responsibilidad nila ang salain kung ang isang kandidato ay nabibilang sa marginalized sector o hindi.
116