DU30 PUPUNTA SA NEUROLOGIST SA MATINDING SAKIT NG LIKOD

DU30

INAASAHANG makikipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang neurologist matapos makaranas ng matinding pananakit ng likod habang nasa dalawang araw na official visit sa Japan para enthronement ni Japanese Emperor Naruhito.

Hindi na tinapos ng Pangulo ang okasyon at agad nang bumalik ng bansa bandang alas-10:41 ng gabi sa Villamor Air Base, ayon kay Senador Bong Go.

Gayunman, pagkadating nito ay dumeretso ang Pangulo sa burol ni dating Senate president Aquilino “Nene” Pimentel Jr., partymate at isa sa mga founder ng partido, sa The Heritage Park sa Taguig City.

Sinabi ng Palasyo na kinailangang bumalik agad ng bansa ang Pangulo dahil sa hindi natagalan na sakit sa spinal column malapit sa pelvic bone nang mahulog sa sinasakyang motorsiklo noong nakaraang linggo.

Sinabi ni  presidential spokesman Salvador Panelo na nakadalo pa ang Pangulo sa enthronement rites ng Japanese emperor ngunit kinailangan nitong gumamit ng tungkod para makapaglakad.

Nahulog ang Pangulo sa kanyang 650cc dirt bike sa Malacañang compound sa isang kurbadang lugar noong nakaraang linggo.

 

106

Related posts

Leave a Comment