(NI BERNARD TAGUINOD)
BINUBUO ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Duterte Coalition” sa gitna ng umiinit na agawan sa upuan ng speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong 18th Congress.
Sa isang joint statement ng Hugpong ng Pagbabago at Hugpong sa Tawong Lungsod na pinangunahan ni Davao City Rep. Paolo Duterte, inihayag ng mga ito ang pagbuo ng isang koalisyon sa Kamara na tinawag nilang “Duterte Coalition”.
“As members of the House of Representatives, Hugpong ng Pagbabago and Hugpong sa Tawong Lungsod hope to unite the House. We have created the Duterte Coalition and we wish to invite everyone to join this group of lawmakers who believe in positive change,” ayon sa nasabing grupo.
Bukod sa batang Duterte, kasama sa grupo ang mga Davao Congressmen na sina Rep. Isidro Ungab
Rep. Vincent Garcia, Rep. Corazon Malanyaon, Rep. Manuel Zamora, Rep. Lorna Bautista,
Rep. Claudine Bautista, Rep. Sandro Gonzales at Rep. Anton Lopez.
Ang Hugpong ng Pagbabago ay partido na binuo ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte habang ang Tawong Lungsod ay isang local party sa nasabing lungsod.
“The Duterte Coalition is a strategic partnership of dynamic public servants who are committed to institute governance and development reforms that are necessary for the Philippines to secure its rightful place in the world stage of nations, particularly in the Southeast Asian region,” ayon pa sa statement.
Inimbitahan din sa nasabing koalisyon ang mga kandidato sa Speakership na sina Congressmen Ferdinand Martin Romualdez, Alan Peter Cayetano, at Lord Allan Jay Velasco.
“We shall not serve one interest; we will work for all Filipinos. And we begin today,” mensahe pa ng grupo ni Rep. Duterte.
Lumalabas na nabuo ang Duterte coalition matapos may miyembro umano ng Cabinete ang nagtutulak sa speakership bid ng isang kongresista gayung makailang ulit na sinabi umano ng Pangulo na hindi ito makikiaalam sa speakership race.
“Everyone should note that, Cabinet members serve only on the basis of the trust and confidence of the President and should not participate in the selection of the speaker,” ayon pa sa grupo ni Rep. Duterte.
375