Duterte-Duterte tandem labag sa Konstitusyon PAANDAR NI PANELO ILEGAL

(BERNARD TAGUINOD)

SI Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon pagkatapos ng kanyang termino sa 2022 kapag nanalo ang itinutulak ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na Duterte-Duterte Tandem.

Kapag nangyari ito, malalabag na ang 1987 Constitution na nagbabawal sa isang pangulo ng bansa na mamuno pagkatapos ng kanyang anim na taong termino.

Ito ang tinuran ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng Duterte-Duterte Tandem 2022 na inilunsad ni Panelo at iba pang appointee ni Pangulong Duterte, sa Pangasinan kamakailan.

While there may be no strict legal impediments to a “Duterte-Duterte” tandem (Sara Duterte for President and Rodrigo Duterte for Vice President) in the 2022 elections, this perilous
combination would result to the circumvention of constitutional prohibitions and the perpetration of patent unethical indiscretions,” paglalarawan ni Lagman sa tandem ng mag-amang Duterte.

Ayon sa mambabatas, kapag nanalo ang mag-ama, tiyak na si Duterte pa rin ang magpapatakbo sa gobyerno dahil kahit anong gawin ni Sara ay ang kanyang ama pa rin ang masusunod.

“Moreover, in the event that the projected Sara Duterte presidency is vacated by choice, fortuitous event, or impeachment, a Vice President Rodrigo Duterte would succeed as President, thereby nullifying the constitutional prohibition,” ayon pa kay Lagman.

Dahil dito, mistulang hindi pabor ang mambabatas sa tambalang isinusulong ni Panelo na nangyari na sa Davao City kung saan si Sara ang mayor habang ang kanyang ama ang vice mayor.
“The local politics in Davao City which has seen Sara Duterte as mayor and Rodrigo Duterte as vice mayor should not be replicated nationwide,” ayon pa sa beteranong mambabatas.

PROBLEMA
MUNA NG BAYAN

Samantala, bago itulak ang tambalan ng mag-amang Duterte, resolbahin muna ang krisis at pandemya dahil ito ang mas mahalaga ngayon sa taumbayan.

Ito naman ang tugon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

“Masyadong maaga para mag-eleksyon ngayon. Hindi dapat maging maaga (na pag-usapan ang eleksyon) dahil napakaraming problema sa pandemya at krisis at lahat. Yun po ang dapat tugunan

ng kasalukuyang pamahalaan,” ani Brosas.

Sa Oktubre 2021 pa maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga tatakbo sa lahat ng posisyon sa gobyerno para sa 2022 election kaya masyado pa aniyang maaga na pag-usapan ito lalo

na’t gutom ang mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Tila pinayuhan din ng mambabatas ang mga botante na mamili ng pangulo na magaling at tutugon sa kanilang mga pangangailangan, walang itinatago at kayang resolbahin ang problemang

kinahaharap ngayon ng bansa.

KREDIBILIDAD
MASUSUBOK

Sinabi naman ni House minority leader Joseph Stephen Paduano na kung matutuloy ang Duterte-Duterte Tandem sa susunod na eleksyon ay magiging batayan ito kung may kredibilidad o wala ang kasalukuyang administrasyon.

“It will be a test if ever Duterte-Duterte tandem will push thru, it will be a test to the credibility and to the performance of this administration,” ani Paduano na hindi tutol sa tandem ng mag-amang Duterte hangga’t kuwalipikado ang mga ito.

42

Related posts

Leave a Comment