UMENTO SA MGA GURO: TIIS-TIIS MUNA – DU30

teacher1

(NI BETH JULIAN)

TIIS-TIIS muna.

Ito ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pampublikong guro na pinangakuan nito ng dagdag sahod pero hindi pa maisakatuparan.

Paliwanag ng Pangulo sa mga guro, hindi pa sila makatatanggap ng dagdag sahod dahil wala pang nakalaan na budget para rito.

Pero palubag loob ng Pangulo, tiniyak nito sa mga guro na sakaling magkakaroon na ng pondo ay tinitiyak nitong kung dinoble ang sahod ng mga pulis ay ganoon din ang kanyang gagawin sa sahod ng mga pampublikong guro.

“Alam ko ang hirap ng mga guro, dahil ang aking ina ay isa ring guro, kaya hindi dapat balewalain ang kanilang paghihirap,” wika ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo isa ring guro ang kanyang ina na si Ginang Soledad Duterte o mas kilala bilang si Nanay Soling sa Cabadbaran, Agusan del Norte.

“For the teachers, just wait a little because we don’t have the budget for that yet. But your salaries will be doubled just like with the police. My mother was a teacher too,” pahayag ng Pangulo.

166

Related posts

Leave a Comment