DUTERTE INILAGLAG SI BONG, JINGGOY SA ELEKSIYON

HINDI kasali si dating senador Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla sa mga kandidato ng ruling party PDP-Laban na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa proklamasyon, kasama sa susuportahan ng Pangulo ang anim na guest candidates na sina reelectionist Senators Cynthia Villar, Sonny Angara and JV Ejercito, Taguig Representative Pia Cayetano, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ang singer na si Freddie Aguilar.

Nilinaw ng Pangulo na hindi niya iniendorso si Estrada kahit pa nakunan sila ng litrato na itinataas ang kamay ni Estrada bilang suporta sa isang okasyon sa Legazpi City.

“Narito ako sa okasyon at kailangang maging totoo ako sa sarili ko. Kung ano ang sinabi ko dito yun na yung susuportahan ko,” sabi ni Duterte.

Hindi rin umano niya ieendorso ang kandidatura sina dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla at dating journalist na si Jiggy Manicad dahil sobrang late na umano ito,” dagdag pa ng Pangulo.

Noong nakaraang taon pa umano tapos ang listahan ng Pangulo ngunit hindi niya ito isinapubliko. Gayunman, itinanggi niya na ang pagsuporta niya kay Estrada ay taliwas sa anti-corruption drive na ginagawa ng gobyerno. “Former senator is presumed innocent until proven guilty by the court,” ayon sa Palasyo.

89

Related posts

Leave a Comment