DUTERTE LIGTAS SA 6.5 LINDOL

(NI NOEL ABUEL)

NASA maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng nangyaring muling paglindol sa Davao City at iba pang bahagi ng  Mindanao.

Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong  Go sa kabila ng pagkakaroon ng  crack sa ilang bahagi ng  bahay ng Pangulo ay maayos naman ito na nagkataong  nasa lungsod ngayon.

” Nasa CR si Pangulong Duterte sa Teachers Viilage nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol pero wala namang masamang nangyari sa kanya,” sabi ni Go.

Tanging bitak sa pader ang natamo ng bahay ng Pangulo at wala rin umanong nasirang mga gamit.

Samantala, nagpaalala si Go sa mga kababayan nito sa Mindanao na unahin ang kaligtasan  ng lahat bago ang evacuation ng mga gamit at ari-arian.

Binigyang diin pa ng senador na ngayon ang panahon ng pagtutulungan, makinig sa mga lehitimong  radio station at lalong  huwag maniniwala sa mga fake news at disinformation.

Dagdag ni Go na kailangang maging  vigilant ang lahat at unahin ang kaligtasan sa mga ganitong uri ng  kalamidad.

 

 

147

Related posts

Leave a Comment