DUTERTE SA SIMBAHAN: ‘HUWAG KAYONG MAKIALAM SA ADMINISTRASYON KO’

DUTERTE-2

Hindi humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Obispo at pari ng simbahang katoliko, kundi pinatitigil ang mga ito na makialam sa ginagawa ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hinihintay ng Pangulo na tigilan ng mga taong simbahan ang pakikialam sa mga desisyon at aksyon ng kanyang administrasyon.

Sa halip, tumulong na lamang sa pamahalaan ang mga ito para sa pagpapabuti ng buhay at kapakanan ng mga Pilipino, tugon ni Panelo.

Ayon kay Panelo, walang nakikitang iba ang mga pari at obispo sa administrasyong Duterte kundi puro na lamang mali at hindi nakikita o kilalanin ang mga nagagawang mabuti at tama ng Pangulo.

Sa katunayan, ayon kay Panelo, ang Santo Papa na mismo ang naghayag na dapat pagsikapan pa ng gobyerno ng iba’t ibang bansa na labanan ang iligal na droga at mga sindikato  na nasa likod ng pagpapakalat nito sa mamamayan.

6

Related posts

Leave a Comment