MAYORALTY BET PINOSASAN SA BUBONG NG BAHAY

AJ GOLEZ4 copy.jpg

NAGTAPOS na ang makapigil hiningang “standoff” na tumagal ng halos 20-oras sa pagitan ng pulisya at ni vice-mayoralty bet Andre Santos nang pasukin na ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang kanyang bahay sa Marilao, Bu-lacan.

Naghagis muna ng teargas ang mga pulis at sunod-sunod na putok ang narinig sa lu-gar.

Matapos ito magkakasunod nang pumasok ang mga tauhan ng SWAT sa bahay ni Santos.

Kahit napasok na siya sa bahay, sinubukan pa ring tumakas ni Santos at sa bubungan na ito inabutan ng mga pulis at doon na siya agad pinosasan.

Ang kaso ni Santos ay nag-ugat sa umano ay pagkakautang nito sa isang gambling lord sa Bulacan.

Una rito ay nagbarikada sa loob ng kanyang bahay si Santos simula pa nitong Huwe-bes ng gabi.

Pero hindi naman mapasok ng mga awtoridad si Santos dahil armado umano ito at mayroon pang granada.

Kinordonan na ng mga pulis ang palibot ng bahay ni Santos.

Nagagawa pang mag-FB live ni Santos habang siya ay nagkukulong sa kaniyang ba-hay at nasa labas naman ang mga pulis.

Emosyonal si Santos sa mga video na kanyang ipino-post sa Facebook habang siya ay nagkukulong sa kanyang bahay.

Sa kanyang FB page, marami ang nananawagan kay Santos na sumuko na lang para maiwasan na ang gulo.

Ayon kay Police Supt. Ricardo Pangan, chief of police ng Marilao, napag-alaman na alas 8:00 ng gabi pa ng Huwebes dapat isisilbi kay Santos ang warrant of arrest na inilabas ng Parañaque regional trial court sa kaso nitong “qualified theft”.

Pero nang mabalitaang aarestuhin siya ay bigla itong nagkulong sa bahay at base sa mga kaanak nito ay emotionally disturbed umano si Santos.

Si Santos ay dating konsehal ng bayan at natalo noong 2016 elections kay incumbent Vice Mayor Henry Lutao.

6

Related posts

Leave a Comment