(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY KIER CRUZ)
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pangunguna ni Gen Aaron Aquino
ang umaabot sa mahigit P6-B halaga ng dangerous drugs na ebidensya sa mga kaso sa Trece Martirez City, Cavite, ngayong Huwebes, makaraang pahintulutan ng mga korte.
Sa datos ng PDEA, mahigit sa isang tonelada ng bawal na droga ang kanilang sinira na kinabibilangan ng shabu, cocaine, ecstasy, marijuana at iba pang illegal drugs na nakumpiska sa kanilang anti-drug operations.
Karamihan sa mga sinirang illegal drugs ang 276 bloke ng cocaine katumbas ng 300 kilo at nagkakahalaga ng P2.25 bilyon na nadiskubre sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ipinagmalaki ni Aquino na ito ang ika-pitong dangerous drugs destruction sa kanyang ahensya simula nang manungkulan bilang direktor noong 2017.
Magmula naman July 1, 2016 ay umabot sa mahigit 6 na tonelada ng illegal drugs ang nasabat ng mga police operations katumbas ng P28 bilyon, ang sinira na ng PDEA.
371