ECONOMIC SABOTAGE SA GOV’T OFFICIALS NA KASABWAT NG AGRI SMUGGLERS

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na papanagutin sa kasong economic sabotage ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na nakikipagsabwatan sa agricultural smugglers.

Sa kanyang Senate Bill No. 2205, nais ni Hontiveros na amyendahan ang mga probisyon ng Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act upang i-criminalize ang government employees and officials na mapatutunayang nakikipagkuntsaba sa large-scale agricultural smugglers.

Pinuna ng senadora na simula nang ipatupad ang batas noong 2016, wala pa ring napapanagot sa kasong agricultural smuggling kahit marami na ang mga nasasabat na smuggled products.

Alinsunod sa panukala, ang anumang aksyon ng public employee o officer na magbibigay go signal sa importasyon ng mga produkto nang walang import permit ay idedeklarang sangkot sa economic sabotage.

Tinukoy pa ng mambabatas ang iniimbestigahang importasyon ng tone-toneladang asukal kahit wala pang inilalabas na sugar order.

Nakasaad sa panukala na ang iregular na approval o pag-iisyu ng lisensya, declaration, clearance, o permit ay ikukonsidera nang economic sabotage at papatawan ng life imprisonment at multang doble ng halaga ng smuggled agricultural product, kasama na ang mga buwis, duties, at iba pang bayarin. (DANG SAMSON-GARCIA)

67

Related posts

Leave a Comment