EKSTENSIYON NG ML SA MINDANAO KINATIGAN NG SC

martial law-2

(NI TERESA TAVARES)

BALIDO ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.

Ito ang idineklara ng Supreme Court en banc kasabay ng pagbasura sa mga petisyon kontra sa martial law extension.

Sa botong 9-4, kinatigan ng mga mahistrado ang desisyon ng pamahalasn na palawigin ang martial law.

Nabatid na ang apat na mahistrado na kumontra sa pagpapalawig ng batas militar ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Francis Jardeleza, Alfredo Benjamin Caguioa, at Marvic Leonen.

Habang umiiral ang martial law sa Mindanao, suspendido ang privilege of the writ of habeas corpus.

Kabilang sa mga kumuwestyon sa legalidad ng martial law extension ang mga opposition congressmen na tinaguriang ‘Magnificent 7,’ ang grupo ni dating Comelec chair Christian Monsod at ang Makabayan bloc sa Kamara.
Nais ng mga petitioners na ideklara ng Supreme Court na  labag sa Saligang Batas at ipatigil ang implementasyon ng muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

255

Related posts

Leave a Comment