P10-B AYUDA SA FARMERS BARYA LANG

farm19

(NI BERNARD TAGUINOD)

MUMO lang ang P10 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inilaan para bigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Act.

Ganito minaliit ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing halaga dahil wala pang 10% aniya ito sa subsidy na ibinibigay ng Thailand sa kanilang mga magsasaka ng palay.

Ayon kay Casilao, noong 2017 ay umaabot sa $2.2 bilyon o P110 bilyon ang subsidy ng Thailand sa kanilang magsasaka kaya mumo lang umano ang P10 bilyon na inilaan para tulungan umano ang mga lokal na magsasaka sa bansa.

“Thailand, who is already an established major rice-exporting country, even subsidized their farmers with more than $2.2 billion in 2017, or around P110 billion, but here, the government brags about the P10-billion rice fund,” ani Casialo.

Ang P10 bilyon RCEF funds ay gagamitin umano sa pagpapautang sa mga magsasaka, pagbili ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka,irrigation facilities,  training at iba pang subsidy para umunlad umano ang nasabing sektor.

Subalit ayon kay Casilao, hindi ito maniniwala na mabubuhay ang mga magsasaka sa nasabing halaga dahil napaliit ito kumpara sa Thailand na isa sa mga bansang pinag-aangkatan ng bigas ng Pilipinas..

Maliban dito, sinabi ni Casilao, mistulang itinapon umano ng Duterte administration ang P350 bilyon noong 2017 at  P380 bilyon noong 2018 na halaga ng palay na naani sa mga nabanggit na taon.

Nang maging bigas aniya (ang naani noong 2017), ay umaabot sa P518 bilyon sa presyong P41.14 kada kilo kaya kumita ang mga retailers ng P168 bilyon subalit mawawala din aniya ang halagang ito dahil sa nasabing batas at pinalitan lang P10 Billion (ng RCEF).

“This is literally the president throwing the local rice traders out of business, then on the worse end, the farmers and farmworkers being snatched with sources of livelihood and food,” ayon pa sa mambabatas.

 

 

 

301

Related posts

Leave a Comment