EMERGENCY POWERS KAY DU30 ISUSULONG

duterte traffic33

(NI NOEL ABUEL)

ISUSULONG sa Senado ni Senador Francis Tolentino ang emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang matinding problema ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan.

Sa ilalim ng inihain nitong Senate Bill no. 213, o Special Emergency Power Act, ipinadedeklara nitong national emergency ang lumalalang trapiko sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, at iba pang highly urbanized cities.

Paliwanag ni Tolentino, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sa MM pa lamang ay nawawalan na ng P3.5 bilyon kada araw dahil sa traffic and congestion crisis kung kaya’t marapat lamang na bigyan ito ng agarang solusyon.

“We must recognize that the crisis is a national emergency requiring urgent, immediate and sweeping solutions, for the general welfare of the Filipino people,” paliwanag pa nito.

“The Philippine transportation infrastructure has indisputably been unable to keep up with the demands of a rising economy and growing population as well as the land, air, and sea traffic congestion and mass transportation shortage,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Tolentino na ang sobrang trapiko sa bansa ay maituturing nang national emergency dahil sa malaki ang nagiging epekto nito sa buhay at negosyo.

153

Related posts

Leave a Comment