EX-PCSO GM GARMA NAMUMURONG MASELDA

SA ayaw at sa gusto ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police Lt. Col Royina Garma ay kailangang dumalo ito sa susunod na pagdinig ng quad committee ng Kamara kung hindi ay ipaaaresto ito.

Ito ang warning ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers, lead chairman ng komite na nag-iimbestiga sa koneksyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), extrajudicial killings, illegal drugs sa bansa.

“If Lieutenant Colonel Garma refuses to attend, we will have no choice but to issue a warrant for her arrest. This is a matter of national importance, and we will not tolerate any obstruction to this investigation. We are committed to ensuring that justice is served, and that means everyone involved must be held to account,” ani Barbers.

Nadawit ang pangalan ni Garma sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na sina Chu Kin Tung, Jackson Li at Wong sa Davao Prison and Penal Farm noong Agosto 2016 na kabilang sa 32 dayuhan na pinatay sa iba’t ibang kulungan sa bansa noong kasagsagan ng war on drugs.

Sinabi ni Barbers na base sa testimonya ng dalawang Person Deprived of Liberty (PDL) na sina Leopoldo Tan Jr. and Fernando “Andy” Magdadaro, inatasan silang patayin ang tatlong Chinese drug lord kapalit ng isang milyon bawat biktima at pangakong pagpapalaya sa kanila.

Lumalabas na malaki aniya ang naging papel ni Garma sa krimeng ito gamit ang kanyang posisyon sa Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Region-11.

Dahil dito, pinadalhan ng imbitasyon ng komite si Garma noong Agosto 22, 2024 hearing ng quad committee subalit hindi ito dumating kaya inisyuhan na ito ng show cause order. (BERNARD TAGUINOD)

76

Related posts

Leave a Comment