FAELDON BUKING SA RELEASE PAPERS NI SANCHEZ

(NI KIKO CUETO)

KUMPLETO ang mga dokumento para makalabas ng piitan si convicted murderer at rapist Antonio Sanchez, base sa mga inilabas ng TV Network station na GMA.

Iyan ay kung pagbabasehan ang ipinakitang dokumento sa GMA kung saan nakasaad dito ang release order kay Sanchez, na pirmado ni Bureau of Correction chief Nicanor Faeldon.

Naunang sinabi ni Faeldon na wala siyang pinirmahan na anumang release order.

Wala pang pahayag si Faeldon sa pinakabagong report.

Sa dokumento, nakasaad na maaring makalaya ang inmate na may pangalan na Antonio Leyva Sanchez, “who was found to have served 40 years upon retroactive application of RA No. 10592 and was certified to have no other legal cause to be further detained, shall be released from confinement.”

May petsa ito na Agosto 20, 2019, gaya nang mga naunang lumutang na report.

Naunang sinabi ng pamilya Sanchez na sinabi na sa kanila ang pagpapakawala sa kanilang mahal sa buhay at nakahanda na silang sunduin ito sa New Bilibid Prisons.

Pero dahil sumambulat ito sa media at umani ng matinding pagbatikos at pagkondena sa pagpapakawala sa kanya, dahil sa good conduct time allowance (GCTA), bigla itong idinaan sa review.

Unang nasentensyahan ng pitong bilang ng life sentences dahil sa ginawa noong 1993, sa paggahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at sa pagpatay sa kasama nitong si Allan Gomez. Kabilang din sa nasentensyahan ang anim pa niyang kasamahan.

Sinabi ng BuCor na aabot na sa halos 2,000 inmates na nasentensyahan sa heinous crimes ay napalaya dahil sa good conduct-based reductions sa kanilang prison terms.

Sa data ng bureau, sinabi nito na 22,049 persons deprived of liberty (PDL) ang inilabas mula 2014 hanggang 2019 dahil sa good conduct time allowances (GCTA), 1,914 ay mga may sala na heinous crimes  gaya ng murder at rape.

 

136

Related posts

Leave a Comment