FAELDON ‘WAG IPAHIYA SA SENADO – PALASYO

faeldon55

(NI BETH JULIAN)

HINDI makikialam ang Palasyo sa magiging pasya ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw ng Lunes.

Gayunman, sakaling dumalo si Faeldon at humarap sa Senado, nakiusap ang Palasyo na huwag ipahiya ang opisyal o sinumang opisyal ng gobyerno na dadalo sa mga pagdinig.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa pagpapasya na ni Faeldon kung dadalo siya pagpapatawag ng Senado para pagpaliwangin sa ipinatupad na good conduct time allowance na naging daan ng muntik nang pagpapalaya ng New Bilibid Prisons kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez na isang convicted rapist murderer.

Paliwanag ni Panelo, kung ano lamang ang makabubuti sa bayan ang siyang kinakatigan ng Palasyo.

Gayunman, iginiit ni Pero na dapat lamang tiyakin ng Senado na magiging maayos ang pagtrato kay Faeldon dahil ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinahihiya ng mga mambabatas ang mga opisyal ng gobyerno tuwing may ginagawang pagdinig ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

 

99

Related posts

Leave a Comment