FB NABULUNAN SA FAKE NEWS NG MGA TROLLS

PAGDAGSA ng fake news na ikinakalat ng mga troll farms ang sinisisi sa pagbagsak ng Facebook at iba pang web applications sa loob ng anim na oras mula pasado alas dose ng hatinggabi hanggang sa pasikat ng araw.

Gayunpaman, paliwanag ng Facebook, nagkaroon ng problema sa domain name o sa kanila mismong DNS server.

Paliwanag ni Candid Wuest na tumatayong Vice President for Cyber Protection Research ng ACRONIS, ang DNS server ay maihahalintulad sa telephone book na aniya’y sistemang nakapaloob mismo ng FB application. Kilala sa buong mundo ang ACRONIS bilang isang pribadong IT company na dalubhasa sa cyber protection.

“The DNS or the domain name server is basically like your telephone book. So that’s the system which translates those domain names which are easy to remember and type into those IP addresses, which are used by the computers. So it’s translating it, which means at the moment you’re typing in facebook.com, but it does really get the right telephone number and that’s why you can’t reach it.”

Gayunpaman, hindi ito ang paniwala ng mga Filipino netizens na una nang nagpahayag ng pagkadismaya sa anim na oras na hindi mabuksan ang kani-kanilang FB, Instagram at WhatsApp accounts. Kung hindi blank screen, loading error ang lumalabas sa mga mobile gadgets at maging sa mga computer sets na higit na ginagamit ng mga mag-aaral at manggagawa sa online classes at work-from-home.

Hinala ng ibang netizen nabulunan ang system ng Facebook maging Instagram at WhatsApp na pawang pagmama-ari ng Facebook company dahil sa dami ng bukas at ipinapaskil na social and political propaganda lalo pa’t papalapit na ang halalan sa bansa.

Posibleng umanong nabulunan sa dami ng social media contents na ini-upload ng mga troll farms para sa pagsusulong ng kandidatura o maghasik ng paninira sa mga lalahok sa 2022 general elections.

Paglilinaw ng FB, hindi lang Pilipinas ang nakaranas ng anila’y “six-hour glitch,” maging ang Estados Unidos at iba pang mga bansa sa mundo, nagulantang sa biglaang pagguho ng mga web applications ng FB, Instagram at WhatsApp. (JESSE KABEL)

141

Related posts

Leave a Comment