(NI ABBY MENDOZA)
HINAMON ng Bayan Muna Party-list ang pamunuan ng Social Security System na ilabas na ang financial data nito sa ngalan na rin ng transparency.
Ayon kay Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate tatlong beses na silang lumiham kay SSS President Emmanuel Dooc para ilabas ang koleksyon subalit ipinapasa lang sila sa relevant units.
Hindi umano sila kumbinsido sa ipinagmamalaki ng SSS na tumaas ang kanilang collection efficiency kaya nais nilang malaman kung ilang porsiyento ng mga miyembro ang nakolektahan.
Giit ni Zarate dapat nang itigilni Dooc ang paglihis sa isyu at palabasing politika ang nasa likod nito dahil maraming resolusyon na ang inihain sa Kamara para imbestigahan ang kaliwa’t kanang anomalya ng SSS.
Hindi aniya tama na isisi sa mga retiradong tumatanggap ng pensyon ang dagdag na benepisyo kundi sa palpak at tamad na pangongolekta ng kontribusyon.
Una rito, ibinunyag ng grupo ang uncollected premiums sa libu-libong employer mula noong 2013 na nagkakahalaga ng halos 50 billion pesos base sa findings ng Commission on Audit.
252