SA BANTA NI DU30:  PETER LIM WALANG PARAMDAM

peterlim

(NI CRISTIAN DALE)

WALANG feeler o anuman sa kampo ng sinasabing bigtime druglord at kumpare ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos magbanta ang Pangulo na huwag haharap sa kanya ng buhay at sa halip ay mag-suicide na lamang.

Nanggagalaiti sa galit ang Pangulo matapos umanong makahanap ng bagong ebidensiyang magdidiin kay Lim sa illegal nitong aktibidad.

MALAKI ang posibilidad na nakapangalap na ng karagdagang ebidensya ang Pangulo laban sa bigtime druglord at kumpare na si Peter Lim, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Idinagdag nitong ang mga bagong ebidensiya ang nakapagkumbinsi sa Pangulo para muling palutangin ang isyu laban kay Lim o ang pagiging sangkot sa iligal na droga ng negosyanteng Cebuano.
Naging kumpare ng Chief Executive si Lim sa dinaluhang kasal noong 2016.
“There could be basis for that siguro sometime ago… eh baka marami ng ebidensya to convince the President that is really behind many operations concerning drug activities. You must remember that Peter Lim, at one point denied that at siguro lalong pinaimbestigahan ni Presidente baka marami na siyang basis,” ayon kay Pang. Duterte.
Sa kabilang dako, wala namang ideya ang Malakanyang kung nasaan ngayon si Lim.
“No, as of now, no,” aniya pa rin.

68

Related posts

Leave a Comment