FIXED TERM SA AFP PINAAAMYENDAHAN

HINDI pa man ganap na pinaiiral ang RA 11790, inirekomenda na ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa Senado na alisin na sa nasabing batas ang “fixed terms” ng mga pangunahing opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinag-ugatan umano ng pagkadismaya ng ilang opisyal.

Ayon kay Sec. Galvez, iminumungkahi niya ito sa Senado na nagbabalak amyendahan ang Republic Act 11709 o Act Strengthening Professionalism sa Armed Forces of the Philippines.

Naniniwala ang kalihim na sakaling tanggapin ng Senado ang kanilang rekomendasyon ay magiging “flexible” at hindi absolute ang career management ng AFP’s top officers.

Sa pagdinig sa Senado kamakailan ay inihayag ng Defense secretary na ang three year fixed term ay maaaring humantong sa pagtigil sa yugto ng promosyon sa AFP at demoralisasyon sa mga opisyal na maapektuhan ang military career.

Subalit nilinaw ni Sec. Galvez na natugunan na ang isyu hinggil dito matapos lagdaan Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang halos lahat ng nakabinbing promotions sa Sandatahang Lakas bago ito nagtungo sa Davos, Switzerland.

“May mga pending designations and we are very happy that the President before going to Davos signed almost all the papers… more or less 26 key officers, including 3 lieutenant generals and also more or less 6 major generals and 17 general officers. Sa amin talaga, very unprecedented ‘yun and we really thank the Board of Generals, headed by Gen. Faustino, for their very diligent evaluation and he submitted it on time,” ani Galvez. (JESSE KABEL RUIZ)

17

Related posts

Leave a Comment