FL LIZA GAMIT SA GOV’T POSTS FOR SALE SCAM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMAPELA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga nabiktima ng sindikato na gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Marcos para magbenta ng mga posisyon sa gobyerno.

Hinimok ni Santiago ang mga biktima na lumabas at magsampa ng reklamo.

Ito’y matapos mabuwag ng NBI ang pinaniniwalaang sindikato na nagbebenta ng matataas na posisyon sa gobyerno sa pagkakaaresto ng pitong suspek.

Isa sa mga naaresto ang tinukoy sa pangalang John Vicente Cruz, na nagpapakilalang Atty. JV Cruz na assistant secretary sa Presidential Management Staff (PMS) sa Malacañang.

Nagpakilala umano si Cruz na lider ng crackdown laban sa mga opisyal ng dating administrasyon. Kinakausap nito ang mga biktima na pinangangakuan niyang ipupwesto sa gobyerno kapalit ng pera.

Matapos makarating sa NBI ang modus ng mga suspek ay isinagawa ang operasyon at ilang ahente ang nagpanggap na aplikante sa mga posisyon. Pag-abot ng mga ito ng P100,000 na “boodle money” kay Cruz ay inaresto ito at anim pang miyembro ng sindikato.

47

Related posts

Leave a Comment