LUMAGPAK sa 49% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa North Central Luzon na kanyang balwarte.
Mula sa 52% noong unang tatlong buwan ng taon ay nagtala na lamang ng 49% si Marcos sa nasabing rehiyon.
Base ito sa Pahayag 2024 second quarter survey na isinagawa mula Hunyo 15-19, 2024 na may mahigit 1,500 respondents.
Nakikitang dahilan dito ang hindi mapigilang pagtaas ng mga presyo ng bilihin o inflation gayundin ang problema sa ekonomiya at talamak na korupsyon.
Nakapagtala ng mababang 51% overall performance rating ang Marcos administration.
Sa kabuuan ay bagsak pa rin ang rating ni Marcos Jr. kung saan nasa 44% ang approval rating at 33% naman ang trust rating nito.
Ang mga isyu sa inflation, ekonomiya at korupsyon ang nakikitang problema umano ng mga Pilipino na nais nilang tugunan ng Marcos admin.
