FLAVIER MAGIC GAMITIN VS DENGUE OUTBREAK

flavier1

(NI NOEL ABUEL)

SA mga panahong nakararanas ng kalamidad ang bansa ay kailangan kumilos ang pamahalaan para gumawa ng solusyon.

Inihalimbawa ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, ang ginawa ni  dating  Health  secretary at dating senador Juan Flavier na gumawa ng agarang solusyon laban sa maruming mga lugar.

“Never underestimate the power of using milestones as a social mobilization tool,” aniya.

Ginawa aniya ni Flavier sa programang ipinatupad noong kalihim ng DOH na hindi umasa sa social media para gumawa at kumilos.

“Flavier, who was Health secretary from 1992 to 1995, launched creative marketing drives like “Oplan Alis Disease”to promote the universal vaccination of Filipino children,” sabi ng senador.

“If there is a “Mosquito Awareness or Annihilation Day” or MAD or a “Tepok Lamok Hour,” it can be a big help in raising public awareness on how to avoid the disease,” ayon pa kay Recto.

“Because in this age of social media, to defeat a virus, one’s campaign must become viral, dagdag pa ni Recto.

Umapela ito sa Malacañang na magtakda ng araw para gumawa ng programa laban sa dengue outbreak.

“Puno ng mga araw ng ganito at araw ng ganoon ang ating government activity calendar. May araw ng civil service, mayroong nutrition month, mayroong coastal cleanup, mayroong pambansang araw ng ganitong sektor, pati anibersaryso sa pagtatatag ng ganitong ahensya isiniselebra rin,” aniya pa.

 

116

Related posts

Leave a Comment