FOOD SECURITY DELIKADO SA LAND USE CONVERSION

land1

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG ngayon ay hindi makamit ang food security ng mga Filipino, lalong hindi ito mangyayari dahil minamadali ang pag-apruba sa mga aplikasyon para sa land use conversion.

Ito ang babala ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin matapos ibaba ng Malacanang sa 30 araw (kailangang matapos) ang application para sa land use conversion sa bansa.

“The move by Malacañang to reduce to 30 days all applications for land use conversion saying this would open the floodgates for conversion of prime agricultural lands to commercial and non-agricultural uses thereby endangering our country’s food security,” ani Villarin.

Sa kasalukuyan, ang maximum processing period sa mga land use conversion application ay umaabot ng 130 days para sa mga regular application at 110 days sa mga priority areas habang 70 days para sa housing.

Gayunpaman, ibinaba ito ng Malacanang matapos magwalk out si Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kanyang Cabinet meeting sa Malaccanang matapos madismaya umano sa tagal ng proseso sa land use conversion applications.

“It will be a highly discretionary process that favors conversion than retention regardless if land is non-negotiable for conversion,” ani Villarin.

Kabilang sa mga lupain na non-negotiable sa land conversion ay agricultural, virgin forests, riverbanks, swamps o  marshlands para masiguro ang food security ng bansa.

Gayunpaman, maging ito ay nanganganib sa land conversion dahil lahat ng aplikasyon para dito ay kailangang matapos sa loob ng 30 araw.

“In the guise of efficiency, Malacañang is sacrificing food self-sufficiency and security. It would deal a big blow to farming and agriculture which has stagnated for several years now,” ayon pa sa mambabatas.

60

Related posts

Leave a Comment