BFAR KIKILOS VS ISDANG SELYADO NG PLASTIC

fishda1

(NI KIKO CUETO)

NANGAKO ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na iimbestigahan ng ahensiya ang viral photo at video kung saan nakaselyado ng tila plastic na bagay ang mga imported na isda na dumating sa bansa.

Sa kabila nito, duda ang hepe ng BFAR sa video na may ipinakita pa na may isang lalaki na may pinipilas na transparent material sa mga piraso ng galunggong na nabili sa Daraga, Albay.

May ibang video na ipinapakita ang mackerel at sapsap na ganun din na nakabalot sa tila plastic na bagay, ayon kay BFAR Executive Director Eduardo Gongona.

Bagaman sa malalaking isda ay ginagawa umano ito para mapreseba ang freshness, sa maliliit ay hindi ito ginagawa.

“Parang may duda ako… Ikaw ba lalagyan mo nang isa-isa iyung maliit na isda ng plastic? Hindi na kapani-paniwala iyun,” sinabi ni Gongona sa panayam.

May ibang mga isda sa malalamig na lugar na nagdedevelop ng mga plastic-like coat para mabuhay.

 

226

Related posts

Leave a Comment