FRONTLINERS PINASASALANG SA LINGGUHANG COVID-19 TEST

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na isailalim sa lingguhang COVID-19 test ang mga health worker para masiguro ang kaligtasan ng mga nasa frontline sa COVID-19 pandemic war.

Ginawa ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang nasabing panawagan sa Department of Health (DOH) sa gitna ng pangamba ng mga health worker na mahawa sa COVID-19 nang hindi nila alam dahil walang regular na pagsusuri sa mga ito.

“I am suggesting that we should have our healthcare workers undergo screening every week for early detection of the virus, since they are exposed to it in the hospitals. Early detection means early isolation, containment and cure,” ani Castelo.

Nakarating sa mambabatas ang reklamo ng ilang frontline personnel sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na ang huling COVID-19 test na ginawa sa mga ito ay tatlong linggo na ang nakararaan.

Saka lang umano sila isinailalim sa COVID-19 test nang magpositibo sa virus ang isa sa kanilang kasamahan at tatlong linggo na ang nakararaan ay hindi na ito nasundan.

Lalong nangangamba ang NKTI personnel sa kanilang kalagayan matapos aminin umano ni NKTI director Dr. Rosemarie Rosete-Liquete na 23 frontliners sa kanilang ospital ang nagpositibo na sa nasabing sakit.

“Hospital officials never told us. We could have taken more measures to protect ourselves and our families,” hinaing umano ng ilang NKTI frontliners kaya umapela ang mga ito ng lingguhang COVID-19 test. BERNARD TAGUINOD

75

Related posts

Leave a Comment