GIRIAN SA BUDGET NAKAAMBA

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGBABALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na posibleng maantala ang approval ng 2020 National Budget kung ipipilit ng Kamara ang mga nais nilang isingit na mga amendments na umaabot sa P100 bilyon.

Sinabi ni Lacson na sa panig ng Senado, nais nilang matapos agad ang approval ng budget at hindi na ito maantala upang magamit on time.

“Kami committed na hindi ma-delay. Ang problema makakapag-delay nito pag insist nila en toto ang P100B. Matatagalan kami sa bicameral conference committee pag-insist nila yan,” saad ni Lacson.

Ipinaaalala ni Lacson na bago naman lagdaan ni Senate President Vicente Sotto ang enrolled bill ay kanila pa itong bubusisiin gaya ng kanilang ginawa sa 2019 budget.

“Or kung ipipilit nila at isasama sa enrolled bill, bago naman pirmahan ni SP ang enrolled bill scrutinize pa namin yan. Ganyan ginawa namin for 2019 budget, kaya nabuko, actually P75B sinulat ni SP pero P95B ang veto ni President Duterte,” diin ni Lacson.

Isa pa aniyang posible nilang gawin ay sulatan si Pangulong Duterte upang ipa-veto ang mga ipipilit na amendment ng Kamara na labag sa konstitusyon.

“Kung insist nila, susulatan namin si PRRD uli. Yan ang gagawin namin. Sa Senate nagkakaisa kami, majority minority, pagdating sa ganyang mga issue,” diin pa ni Lacson.

Ibinulgar din ni Lacson na may kongresistang naglagak din ng malaking pondo sa kanilang mga distrito.

“May nakita na nga ako roon ayoko magbanggit ng mga distrito. Pero may mga malalaking budget na nakalagak sa kanya-kanyang distrito. Hindi makakaila yan kasi papel yan, nakasulat yan. Maski sabihin nila walang pork, kita ko na anong distrito ang lalaki,” diin ni Lacson.

Nangako si Lacson na tutukuyin niya ang nga distritong ito sa kanyang interpelasyon sa budget.

“Pag interpellate ako mababanggit ko, PowerPoint ko pa. Sa distrito may P300M, may lugar na P500M,” diin ng senador.

158

Related posts

Leave a Comment