GLORIA HANDS-OFF SA SPEAKERSHIP SA 18TH CONGRESS

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

AYAW makisawsaw ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagpili kung sino ang magiging kapalit niya sa susunod na Kongreso o sa 18th Congress.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa gitna ng pag-eendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte ng dalawang kandidato sa speakership na sina dating Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“I don’t want to comment. I am not going to be in the next Congress,” ani Arroyo.

Matatapos na ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga ngayong 17th Congress kaya hindi na ito makakasama sa susunod na Kongreso.

Tumanggi rin ang dating pangulo na magkomento kung mayroon itong susuportahang kandidato sa pagka-speakership dahil bukod sa dalawang nabanggit ay marami pang iba na lumulutang ang pangalan sa nasabing posisyon.

“I don’t want to comment on the next Congress coz I am not going to be a part of it,” ayon kay Arroyo.

Bukod kina Romualdez at Velasco ay lumulutang din ang pangalan nina dating vice president Jejomar Binay,  Cavite Rep. Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandoval at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, San Juan Rep. Ronaldo Zamora, at Cavite Rep. Alex Advincula.

83

Related posts

Leave a Comment