WATER CODE PINAAAMYENDAHAN SA SENADO

angara12

(Ni NOEL ABUEL)

 

PINAAAMYENDAHAN ni Senador  Sonny Angara ang Water Code of the Philippines na nilulumot na kung kaya’t mabagal ang solusyon sa nararanasang problema sa tubig.

Ayon kay Angara, napapanahon nang amyendahan ang 43-taong batas dahil na rin sa hindi ito nakatutugon sa problema sa supply ng tubig tulad ng nararanasan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

At sa panahong nararanasan ang El Nino phenomenon ay dapat lamang na gawin ang dapat ng pamahalaan para mapakinabangan nang marami.

“Every year the country struggles with severe El Niño events. Every year our water dams drop to critical levels. Unless we address these and come up with long-term and integrated solutions, we are all in trouble,” aniya pa.

“Dati-rati wala namang climate change, noon wala namang El Niño. But this is the new normal now. Akma pa rin kaya ang batas para sa mga ganitong pagbabago?” giit pa ni Angara.

 

146

Related posts

Leave a Comment