GLORIA TIWALA SA DESISYON NI DU30 SA BUDGET

DUTERTE-SGMA

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI na kagulat-gulat kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget dahil noong siya ang pangulo ay ginagawa rin umano niya ito.

Sa ambush interview kay Arroyo, sinabi nito na tiwala ito sa naging desisyon ni Duterte na i-veto ang mahigit P95 Billion sa P3.757 Trillion pondo ngayong taon.

“Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget. So it’s done and we trust the President’s judgement,” ang tanging pahayag ni Arroyo sa pag-veto ni Duterte sa national budget.

Kabilang sa mga hindi pinalusot ni Duterte ay ang P75 Billion na in-itemize ng mga kongresista na ikinatuwa naman ng kanilang mga counterpart sa Mataas na Kapulungan.

Magugunita na lalong made-delay ang pag-enroll sa General Appropriations Act (GAA) sa Office of the President matapos hindi matanggap ng mga senador ang “pagbabagong ginawa umano ng mga kongresista sa national budget kahit naratipikahan na ang Bicameral conference committee report noong Pebrero 8, 2019.

Subalit sa depensa ng liderato ng Kamara, partikular ni House Appropriation committee chair, Rolando Andaya Jr., walang ilegal sa pag-itemize ng mga ito sa nasabing halaga dahil karapatan ng mga tax payers na malaman kung saan ginagamit ang kanilang buwis.

Mas malaki din umano ang “isiningit” na pondo ng Senado  sa pambansang pondo dahil umaabot ito ng P83.9 Billion subalit ayaw ng mga senador na idetalye kung saan-saan ito gagamitin.

 

157

Related posts

Leave a Comment