PALASYO SA PUBLIKO: MAKIPAGTULUNGAN PARA SA LIGTAS NA SEMANA SANTA

bus terminal12

(NI BETH JULIAN)

TODO panawagan ang Malacanang sa publiko, partikular sa mga bibyahe ngayong Semana Santa, na makipagtulungan sa pamahalaan para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng lahat.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mahalaga ang suportang ibibigay ng publiko sa mga security checkpoints, pagsunod sa mga traffic rules and regulations at ang patuloy na pagmamatyag sa paligid sa pagkakaroon ng mas ligtas na paggunita ng Semana Santa.

Dito, umapela si Panelo sa publiko na agad isumbong sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang indibidwal na kanilang makikita at mga naiwang gamit tulad ng mga bag, kahon at iba pang mga kahina-hinala para makaiwas sa pambibiktima ng mga masasamang loob.

Ayon kay Panelo, hindi dapat makalimutan ng publiko na ang panahon na ito ay para sa pag-aayuno at nawa ay ang pagsasakripisyo at kababaang loob na inihalimbawa ni Hesus ay maging inspirasyon para sa lahat sa pagtulong sa isa’t isa sa lahat ng pagkakataon.

 

102

Related posts

Leave a Comment